Kahapon, pinaunlakan ko ang anyaya ni Luna Sicat na magsalita sa kanyang playwriting class. patapos na ang semestre kay mga general principles in revision ang ibinigay niyang paksa.
Nagsimula ako sa pagsasabing hindi dapat bigyang-halaga ng klase ang anomang sasabihin ko dahil dapat silang magrebisa ayon sa mga prinsipyong itinuro sa kanila ng kanilang guro. Pero dahil naroon na kami, gagawin ko na rin ang dapat kong gawin. Inalam ko muna kung anong uring dula ang pinag0aralan nila sa buong semestre. One act play ba? Short play o Long play? Full length play daw.
One act, sabi nila. Ipinaliwanag ko na batay sa tradisyon ni Aristotle, ang one act ay isang maikling dula na nakapaloob sa isang eksena lamang. Isang eksena, ibig sabihin isang sitwasyong naganap sa isang lugar sa loob ng isang pah-ikot ng mundo,
Kaya kung ang naisulat nila ay dulang maraming tagpo, ang maipapayo ko ang itapon na lang nila ang nasulat na dula, sumulat ng panibago at huwag masiyahan hanggang hindi nila natutuklasan kung paanong sumulat ng dulang may isang tagpo.
Pagkatapos nito, saka pa lamang natin maaaring pag-usapan ang mga sangkap ng dula, gaya ng Tauhan, Banghay, Tema, Wika, Tunog at Panoorin.
Malupit nga kung iisipin. Pero talagang ganoon. Kung ang batayabg prinsipyo ay hindi natin naunawaan, walang dahilan kung bakit dapat nating pag-usapan ang ibang bagay,
Monday, October 1, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment