Isa sa pinakapaborito kong talinghaga ng pagkatha o pagsusulat ang pagluluto. Bukod sa kapwa nangangailangan ng napakapayak na batayang proseso (halimbawa, kailangang marunong mag-ihaw, maglaga, magsigang o maggisa), ang pagluluto at pagsusulat ay parehong nagbubunsod sa atin sa pagkakaroon ng ganap na kasiyahan. Kabusugan, kung sa pagluluto. Kaligayahan naman, kung sa pagsusulat.
nang una kong banggitin ang ganitong pahambing na obserbasyon, alam kong marami ang lihim na napakunot ang noo. Lalo kapag ipinaliwanag ang tungkol pangangailangan sa ilang batayang kasanayan lamang. Wika ko nga, sa pagsusulat, kung alam mo ang ilang pamamaraan, uubra na. Marami ka ng milagtong magagawa. Ang kailangan na lamang ay panahon o pagkakatain para magawa ang mga ito. Gaya rin sa pagluluto. Kung alam mo kung paano mag-ihaw o maggisa, Marami ka nang putaheng maihahanda. Marami ka nang taong mabubusog at mabibigyang-kasiyahan.
Kailangan pa ba nating isa-isahin ang mga bagay na maaaring ihawin o magawa mula sa paggigisa?
Saturday, October 13, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment