Monday, October 8, 2007

Somewhere in Time

Wala rin lang naman akong magawa, isasali ko na rin dito ang mga hindi kantang-Broadway na isinafilipino ko. Mas ang layunin ko ay matipon na lamang ang mga ito. Hindi ko na inaambisyong marinig ang mga ito sa isang konsiyerto o kahit mabasa man lamang sa isang publikasyon. Ang naisalin sila ay sapat nang ligaya para sa akin. sana ay sa ganito ring espiritu pahalagahan ang mga ito ng mambabasa, kung mayroon man.

May Panahon
(Somewhere in Time)

May panahong
Tayo'y nagkatagpo
Nang magtakipsilim,
Sinta, lahat ay huminto
Sa umaga'y
Ating natagpuan,
Bawat saglit, walang hanggan
kung yapos mo ako
Di lilipas
Pag-ibig na wagas
Mananatili ang tamis
Tulad ng 'yong labi
Ang pag-ibig
Mananatili
Nabatid kong lahat
Lahat ng lihim
Sa 'king dibdib ika'y lalagi
Ang pag-ibig mo'y lubos
Hindi kukupas

May panahong
Napagtantong puso'y
Laging wagas.

Di Man Kakilala
(STrangers in the Night)

Di ka kilala
Nasulyapanlang
Nakapagtataka
Agad umasang
May magaganap
Bago mag-umaga
Ang iyong sulyap
Ay may halina
Ang ngiti mo ay
may pahiwatig
Na ang puso mo
Hanap din ang puso ko
Kapwa man tayo
Nalulumbay na istranghero
Dilim ng gabi
Ang magkukubli
Sa 'ting kapangahasan
Di natin alam
Pag-ibig ay 'sang sulyap lang
Tayo'y patangay, at bumigay
Magmula noon
Sa Sulyap lamang
Naghabambuhay
Pagmamahalan
Tayong dalawa'y
Di na istranghero lang
(Ulitin maliban ang huling linya)




No comments: