Kung ika' y lilisan, paano mo iiwan ang iyong tahanan?
Ito ba'y lilinisin mo muna? Wawalisan at titiyaking walang agiw sa mga sulok-sulok at ang mga gamit ay di maalikabok? Isasalansan mo ba nang maayos ang mga aklat at mga babasahin, ilalagay ang bawat isa sa dapat nilang kalagyan. Iimisin bawat nakakalapat na papel; itatapon sa basurahan ang mga nilamukos na borador, mga patunay ng mga gawaing hindi nagampanan, mga pangarap na hanggang pangarap lamang. Papatayin mo ba ang lahat ng ilaw? Titiyaking nakasara ang gripo sa banyo, at hindi nakaligtaang bukas ang kalan. nasamsam ba ang lahat ng sampay? at natipon ba ang lahat ng labasa. Wala bang naghambalang na maruming damit?
Muli mong papasadahan ng tingin ang buong kabahayan bago ka humakbang palapit sa pinto, kuyom sa mga kamay ang susi at kandado. sa huling pagkakatao'y titiyakin mong maayos ang lahat. Mapapausal ka ng walang tinig na dasal na sana nga'y maging maayos ang lahat saka mo ikakandado ang pinto. Pagkagat ng kandado sa kanyang sarili ay magsisimula kang humakbang papalayo. sa huling sandali ay tatanawin mo ang naiwang tahanan. Ulila. Madilim. Nakahukot sa tambad ng matingkad na liwanag ng nakatapat na maputing kimpal na ulap na sa wari mo'y hangad ring rumagasa papalayo.
At iyong ang larawan ng tahanang iiwan.
Ang isa pa ay ang kabaligtaran ng larawang ito.
Isang larawan ng tahanan na iniwang pakumahog. Maaaring mayroon pang tasa ng kape sa mesa. Bukas ang mga bintana at tinatayantang ng mahinang gaslaw ng hangin ang mga laylayan ng kurtina. Bukas lahat ng ilaw. May mga nagkalapat na papel sa lapag,
Isang larawan ng buhay na dagling napugto sa kalagitnaan. sa kasagsagan ng pagsulak.
Ano kayang larawa ang maiiwan.
Anoman, hindi na mahalaga sapagkat kaya lamang naman nating mithiin. wala tayong magagawang anoman. anoman ang larawan.
Thursday, October 11, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment