Mula nang atakehin ako ng pangalawang stroke noong Abril, iniwasan ko na ang magplano ng mga prouektong sulatin, Baka kasu hindi ko na sila maisagawa o hindi ko matapos, at ayaw kong malumbay nang husto dahil sa frustration.
Pero may mga proyekto akong sinisikap pang tapusin kahit ang totoo'y tila kinaiinipan ko na. Gaya ng proyektong ma-translate ang isang libro ng kanta, kabilang ang mga gusto kong Broadway songs. Halos dalawang taon na ay di ko pa rin mailunsad. Ang totoo, ang paglulunsad na gusto ko'y sa pamamagitan ng isang konsiyerto. Pero dahil wala naman akong perang maipupuhunan para magawa ito, kailangankong umasa sa ibang tao para maisakatuparan ang aking pangarap.
Dahil napuna kong habang lumilipas ang mga buwan tila lalong nagiging imposible ang paglulunsad sa proyekto, minabuti ko na lang na limitahin sa mga kantang0Broadway o mula sa musical theter ang koleksiyon ko ng salin.
Naipasya ko ring gamitin ang blog na ito upang ipaalam sa mga tao ang iba't ibang salin ko. Marahil, darating din ang pagkakataong maawit sila sa isang konsiyerto.
Monday, October 1, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment