Gusto ko pa sanang balik-balikan ang sama ng loob na naramdaman ko bunga ng "Dalawang Bayani" pero naisip kong wala itong buting maibibigay sa akin. hindi ko rin makukumbinsi si Mrs. Bpnifacio na paniwalaan ang sinasabi kong kahit kailan ay hindi niya ako naimpluwensiyahan. Hindi naman pala niya alam ang tungkol sa rock musical ni Bien Lumbera kaya mahirap baguhin ang paniniwala niyang siya ang unang nakaisip, pagkaraan ng sandaang taon, na paghambingin sina Rizal at Bonifacio. At dahil naniniwala akong pagsasayang ng panahon ang pagtatangkang baguhin ang hindi mababago, hayaan na lamang natin si Mrs. Bomifacio sa kanyang higanteng persepsiyon tungkol sa kanyang sarili.
Napag-isipan ko rin panahon na sa paghahanda ng bagong istratehiya sa pagtuturo ng playwriting. Gusto kong subukan ang paraang improbisasyon. bagaman naniniwala ako na importante pa rin ang ilan at maiikling lektyur, gusto kong ang mga estudyante ang magsagawa ng mga dramatikong gawain para maunawaan nila ang mga batayang prinsipyo sa pagsulat ng dula.
Gaya ng exercise na sinubok namin kahapon. nagtaob ako ng isang silya sa gitna ng silid at pinatugtog ko ang Nessun Dorma ni Pavarotti. Pinapagisip ko sila ng eksena. Siyempre, may tauhan. Sino yon? Ano ang ginagawa niya sa tagpo?
Sunday, September 30, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment