May nagtanong sa akin kanina kung anong mahalagang katangian ng tunog, kulay o sitwsasyon ang nakatutulong para matuto ang isang tao (bata). At tila kagyat akong inilipad ng mga taon sa isang maliit na lugar sa Cubao, kung saan halos sampung taon naming sinikap itaguyod ang programang "Batibot."
Ano nga ba ang mga ginawa naming para matutong ang aming mga batang manonood? Ano ang mga istratehiyang ginamit namin para ihanda sila sa panghabangbuhay na misyon, ang pagbabasa? Anong uri ng larawan, anong klase ng tunog, anong klase ng kuwento ang ginamit namin upang ilunsad ang mga bata sa kakayahang magbasa?
Marami. At walang natatanging istratehiya. Maliban sa anomang sangkap na aming gamitin ay laging naroroon ang pagsisikap na mapaiba ang sangkap na iyon sa anomang karaniwan o ordinarnaryo. halimbawa, sa kulay. Marahalaga ang paggamit ng primary colors upang mapatalas ang kakayahan ng bata na makakuta nang mabuti. sapagkat sa simula ay may liwanag na nagtatampok sa puti at itim lamnang. Mahalaga ang kakayahang matukoy ang pagkakaiba ng isang bagay batay sa kulay nito. Mahalagang makita ng mata ng isip ang pagkanatatangi ng kulay ng bagay na iyon. Iba sa basta karaniwang itim o puti, iba sa basta karaniwang dilim at liwanag.
Ang ikinaiba ng isang bagay mula sa mga bagay na ordinaro at karaniwan, sa palagay ko ay isang natatanging antas sa pagkatuto ng sinomang bata. Gayundin sa tunog o boses, halimbawa. Sinasabing mas matingkad ang paglatay sa kamalayan ng boses na hindi pangkaraniwan. Mas Matingkad ang boses ng babae kaysa lalake. Mas markado ang hindi normal o tunay na boses kaysa boses-lalaki o babae. mas matinis o mas mababa, mas markado. at mas maigi. ganoon din sa aksiyon o galaw. Ang mga pagkilos na gaya ng normal at karaniwan ay hindi gaanong nakatatawag ng pansin. Kailangang hindi karaniwan, maaaring jerky, o patalbog-talbog upang magkaroon ng katangiang naiiba; samakatwid ay kapansin-pansin at natatandaan.
Ganito rin sa kuwento. Kailangang magkaroon ng sangkap na di karaniwan ang isang kuwento upang tumimo ito sa ating isipan, at sa gayo'y lumatay sa ating kamalayan.
Hindi ko alam kung ano ang tawang dito. Marahil, sa sining ay ito ang tinatawag na visual discrimination.
Pero sigurado ako na diskriminasyon ang katangiang mahalaga para matandaan natin ang isang bagay; para matutunan natin ang mga bagay.
Dinadala rin tayo ng usaping ito sa kung bakit kasumpa-sumpa ang maging ordinaryo. Naaalala ko ang tauhang si salieri sa pelikulang "Amadeus." Inusig ni salieri ang Diyos matapos matuklasang siya pala'y may talinong karaniwan lamang. Tinanong niya ang Diyos kung bakit ipinagkait sa kanya ang talino ng isang Mozart at halip ay isinumpa siyang maging karaniwan.
Ito marahil ang sumpa ng pagiging ordinardo. ang trahedya ng pagiging karaniwan. sapagkat kung hindi ka naiiba at kapansin-pansin; ibig sabihi'y hindi ka napahalagahan ng Maykapal.
Kung gayo'y ano pa ang silbi mo? Ano pa ang iyong katuturan sa buhay na ito?
Monday, October 8, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Hoy ano toh ayos toh ah ulol
bulok toh ayusin mo
rawr
Ako'y nababaliw ako pangit kasi eh
Hoy SEX
Post a Comment