Friday, November 30, 2007

Kasong Trillaness

Aakdain ko ang isang karanasang wala akong kaaklam-alam, at marahil para ay hindi ko dapat pakialam. Peromay gaoon ba? Ang tao ay tao. Lahat ng may kaugnayan sa tao, ay may kaugnayan sa akin.

Kaya sa kabila ng kung ilang araw na pagkakasangkutsa ko sa gamot, pawis, ubo ang paninikip ng hinga, sinikag kong bumangin para mag-blog Nsabay pa ang hinagpis ng lamas sa adbenturiso ni Senador Trillannes at garapal na pang-nagaw nila ng kapangyarihan Gumimik na rin ng ganito ang bagitong poster boy ng Oposisyon sa Oakwood (Bakit mahilig siya sa kuxury hotel?)Siyempre, kinasuhan siya ng Gobyerno.
Iisa ang gusto nating lahat.
Ang alam ko, demokrasya, Paano matatamo,? Kailangan ang rule of law. Dapat nating itaguyod ang batas sa lahat ng pagkajataon. Walang short cut dito, Hindi pwedeng mainip o mapikon dahil mabagal ang proseso.
Ano ang ginawa ni Trillanes. Kumendidatong senado. Okay lang iyon, ganoon sa demokraasya. Lahat ubrang tumakbo. Kaso, nanalo. Alam niya hindi siya puwedeng maupo hanggang may kasong nililitis laban sa kanya. Yon ang sinasabi ng batas. Talagang ganoon. Hindi niya mairepsent ang mga bumoto sa kanya dahil inililitis pa nga.
Noong isang araw, nabuwit na naman sa gobyerno si Trillanes. Nag-alsa naman sa lobby ng Manila Pen? Nagiging maluhong bisyo na yata yan, ha.

35 comments:

Unknown said...

Rene, paalam na. Sorry di ko nalaman agad na nasa ospital ka. Maraming maraming salamat sa lahat ng itinuro mo sa aming lahat!

Unknown said...

sumalangit nawa ka, rene. mahal ka naming lahat.

Unknown said...

Sir Rene, maraming maraming salamat sa inyo. Kung hindi dahil sa mga kwento ninyo, hindi ako maeengganyong magsulat din para sa mga bata. Salamat sa Nemo, ang unang-una kong inspirasyon. You're one of God's special gifts to us. HIndi ko akalain na ikalulungkot ko ng ganito ang pagkawala ninyo. Paalam.
alice mallari

joeybaquiran said...

rene,

ikaw ang aming ama at ina sa pagsulat. mamimiss ka namin, talaga.
paalam mahal na kaibigan. salamat sa lahat lahat.

XIAO CHUA said...

Sir Rene, ang daming mabubuting bata dahil sa Batibot at sa mga kwentong pambata mo. Hinding-hindi ka mamamatay!

http://michaelxiaochua.multiply.com/photos/album/278

Friend said...

Mapalad akong naging guro kita. Salamat sa iyong pagtuturo at pag gabay sa amin.

Unknown said...

Sir Rene, maraming salamat sa inyo. Kahit halos tatlong beses pa lang po ako nakakaattend ng klase natin sa mp174, gustong gusto ko po ang paraan ng inyong pagtuturo.. sa maiksing panahong iyon, marami ako natutunan, kahit minsan, hindi naman ako nakakapagbasa ng maayos,ang dami ko pong natutunan... excited pa naman po ako na-ipresenta sa inyo ang kuwadro... lubos ko itong pinaghahandaan.. gagawin ko po ang kuwadro.. maraming salamat sa pag-inspire ninyo sa playwright ng aming thesis, maraming salamat po sa mga masasayang klase.. ma-mimiss po namin kayo... hanggang sa muli. Hasta La Vista.

rbilog said...

maraming salamat Sir Rene, laking Batibot po ako. Nawa'y magkita kita tayo sa Langit na Nakatawa.

Unknown said...

maraming salamat sa lahat ng tawanan, sa mga one-liners mo na talagang nakaka-break sa bigat ng usapan, kahit sa mga pagtataray mong natutunan kong hanap-hanapin (dahil nakakatawa ang pagbitiw mo sa kanila). salamat talaga, rene. mahal na mahal ka namin at mami-miss ka namin. ayaw ko magpaalam. bon voyage, rene! sa pagtawid mo sa kabilang buhay, asahan mong marami kaming isasabuhay ang mga itinuro mo't natutunan namin sa yo (kahit di mo itinuro explicitly).
liza m.

kontra-diction said...

maraming salamat, rene! palagi kang buhay sa aming alaala.

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

PAALAM

Rene:

Paalam sa iyo kaibigang, Rene. At sa pagpapaalam na ito, ibig kong iparating sa iyo ang taos-pusong pagbati sapagkat nakamit mo ang pinakamimithi mo. Sabi mo, noong huling birthday treat mo sa aming mga miyembro ng grupong Telon sa Trinoma, ang birthday wish mo ay ang wish ni Tim para sa iyo: isang tahimik at masayang kamatayan. Nakamit mo iyon, kaibigan.

Disyembre 4, ikawalo ng gabi, nang magkita-kita kami nina Nick, Jovie at Liza sa ICU ng Heart Center. Nakaratay ka, may piring ang mga mata. Subalit bagaman mga naluluha kami sa mga pangyayari, alam kong isang masayang eksena ang nasa imahinasyon o kaya’y panaginip mo. Subalit ang totoo, di iyon imahinasyon lang basta o panaginip. Kami iyon, nagpupugay sa iyong pagkatao. Andun si Ann, ang mga anak mo, ang iyong Nanay, kapatid at marami pang mga kamag-anak. At andun din kami, Rene. Kami na mga estudyante mo, kami na mga anak-anakan mo, kami na mga kaibigan mo. Andun kami sa paligid mo.

Noong nagdaang araw ay sina Joey, Donat at Ipat ang nakasama mo. Inintay mo kaming makumpleto kahit iba-ibang araw ang ginawa naming pagbisita sa iyo, na sa huli’y mga naging pagpapaalam na pala namin. Ngayong natapos na ang yugtong iyon, di ko mapigilang sabihin sa sarili ko na napakapalad mo na makamit ang wish mo. Biniyayaan ka ng Diyos sa pagbibigay niya ng huli mong kahilingan na isang tahimik at masayang kamatayan sa piling ng pamilya, kaibigan at mga estudyante mo.

Ngayong Disyembre 6, dapat sana’y party ng munti nating eksklusibong grupong Darna. Masasaya talaga ang mga pagtitipong naranasan ko sa Darna. Tawanan ng tawanan habang kumakain o nagkakape, nagdidiskusyon tungkol sa literatura at mga manunulat, mga kakilala, mga pangyayari sa lipunan, mga personal na adventure sa klase man o sa UP o sa ibang bayan, at kung anu-ano pa. Malulungkot kami nina Ate Gaying, Joey at Lilibeth dahil, kahit hirap kang magsalita sa mga pagkikita natin, ikaw ang nagpapatawa sa aming lahat! Mga pagkikitang nagpapataba ng puso, nagpapaganda ng araw. Bagaman di matutuloy ang planong exchange gift natin ng grupo sa Peninsula ngayong araw na ito, mas malaki pa palang pagtitipon ang mangyayari sapagkat marami ang ibig makapiling ka sa araw na ito. At bukod dito, ilang araw pa ang ginawa mong sorpresa sa amin dahil makakapiling ka namin hanggang sa katapusan ng linggong ito. Hanggang sa dulo ng buhay mo, lagi kang may may mga sorpresang ginagawa sa amin.

Nang dalawain kita sa ICU, hinawakan at nilapitan kita. Sabi ko, wag kang mag-alala dahil matutuloy pa rin ang party natin. Di ba’t mahilig ka sa party, sa mga pagtitipon, lalo na noong malakas na malakas ka pa? Noong araw, nagsisipagkantahan at nagsisipagsayawan pa tayo pag may mga pagtitipon. Si Donat kung magsayaw seryoso. Si Joey naman, mas mabuti pang gumawa na lang ng tula. Di naman magkakapares ang mga paa natin, pero parang nakawala sa kural kung magsisayaw ang mga Telonista. Di naman magaganda ang boses, maliban marahil kay Ipat, pero nakukuha pang magkaraoke sa gitna ng bagyo. Ikaw, di ko malilimutan ang kinaraoke mong “Evergreen”. Hanep. Damang-dama. Kahit paputol putol. At siyempre pa, wala sa tono. Yan ang gusto namin sa iyo, lagi kang game sa amin.

Sa grupong Telon, hinipo mo ang aming mga puso. Bahagi ka ng aming kabataan. Halos lahat kami ay mga teenager pa lang nang mag-workshop tayo noong 1983 na inisponsor ng UP Student Council. At matapos noon, ang impormal na grupo’y naging Telon Playwrights Circle. Bilang Adviser namin, tinuruan mo kaming magsulat ng dula. Isinalang mo kaming maging kritiko ng sari-sarili naming mga dula. Tinuruan mo kaming mag-edit ng mga artikulo kapag gumagawa tayo ng Programa para sa mga produksyon. Ikaw ang nagturo sa aming maging aktibo sa pagtatanghal dahil sa paniniwala mong ang isang mandudula’y dapat nakauunawa ng mga katotohanan ng palabas. Tinuruan mo kaming magsuma ng mga tiket nang sa ganoon ay makapaglunsad pa ng ibang proyekto. Tinuruan mo kaming gumawa ng mga PR materials na matiyaga nating ipinamudmod sa mga publikasyon sa Intramuros. Tinuruan mo kaming mag-lecture tungkol sa paggawa ng dula at maging sa kasaysayan ng teatro, kaya’t kung saan-saang eskuwelahan at mga lugar kami nabigyan tuloy ng pagkakataong hasain ang mga sarili bilang lektyurer. Tinuruan mo kaming matalo at manalo sa Palanca at iba pang mga patimpalak. Tinuruan mo kaming matalo at manalo sa buhay sa iba’t ibang pagkakataon- at andun ka, nakikinig, nakikiramay sa mga pagkabigo at mga tagumpay. At lagi, tinutulak mo kaming magsulat, magsulat, magsulat, magsulat at magsulat upang magpublisa ng sari-sarili naming mga libro, ito man ay maging sa panitikan o sa iba pang larangan.

Subalit bukod sa mga itinuro mong mga kaalaman sa amin na pinanday ng kung ilang dekada, di nawala ang pagpapaalala mo sa amin ng papel ng literatura sa pagbuo ng kamalayan ng isang bayan. Idinikdik mo sa amin ang aral na ito na hanggang ngayo’y pinanghahawakan pa rin namin. Ang iba sa ami’y naging mga abogado, ang iba’y sa advertising o marketing napunta, ang iba’y naging mga guro, ang iba’y naging manunulat sa iba’t ibang anyo ng panitikan, ang iba’y naging negosyante, ang iba’y nangibang-bayan, at ang iba nama’y naging aktibo sa teatro, telebisyon o pelikula. Subalit anoman ang mga pinatunguhan namin, di nawala sa amin ang pagmamahal sa dula at dulaan.

Nagpapasalamat ako sa pagsasabi mo sa akin ilang linggo bago ka pumanaw na natutuwa ka sa mga kinahinatnan ng mga miyembro ng Telon. Sabi mo, ipinagmamalaki mo kaming lahat sapagkat di nasayang ang mga kabuluhan ng aming mga pagkatao. Di ko alam kung alam mong malaki ang naitulong mo upang buuin namin ang aming mga pagkatao. Ang pagkahumaling mo sa dula at dulaan, maging sa literaturang pambata, ay di bulag sapagkat pinanindigan mo ang pangangailangang dapat lalong mapaigting, mahulma, ng manunulat ang kanyang pagkatao sa proseso ng kanyang pagsusulat. Sabi mo, kailangan ding makatulong ang kanyang panulat sa paglilinaw at paglalatag ng buong lipunan ng ideya nito ng pagiging tao ng mga mamamayan nito. Lagi mong inaaral sa amin ang kahalagahang tuklasin ng tao di lamang kung ano ang gusto niya kundi kung sino siya at ano ang kabuluhan niya para sa iba.

Lagi mo ring pinapaalala sa amin na ang basehan ng pagkakaibigan ay di dugo kundi ang mataas na paggamit ng isip upang magdesisyong bumuo ng mga ugnayan sa lipunan. Kung kaya nga, sabi mo, ang katapatan ng ugnayang iyan ay sinusubok ng panahon sapagkat di dugo kundi katatagan ng isip at puso ang magpapasya upang ibandila ang kawagasan at kadakilaan ng pagiging mga magkakaibigan.

Naging dakila at napamahal ka sa amin, Rene, sapagkat naging gabay ka sa pagmumulat ng aming mga kaisipan. Di ka lamang basta kaibigan sa amin. Ikaw din ay ama, katuwang sa mga proyekto, tagapagbigay ng pagkakataon sa mga may potensyal at naliligaw, tagapayo, magiting na guro at, higit sa lahat, totoong kaibigan.

Masakit man sa aming ihatid ka sa iyong huling hantungan, dapat din naming palayain ka sa kirot ng aming mga puso. Bagaman alam kong sinisikap mong lalo pang maging aktibo at makabuluhan hanggang sa kaduluduluhang sandali ng iyong buhay, alam ko ring inihahanda mo ang iyong isip at puso para sa bagong paglalakabay na iyong gagawin sa kabilang buhay.

Sa kabilang buhay, di ko alam kung patatawanin o tatrayan mo rin sila doon tulad ng pang-araw-araw na panggugulat mo sa aming realidad. Kundi mo man magawa iyon doon, hayaan mo’t di namin kalilimutang ire-enact sa aming mga isip at puso ang lahat ng kinahiligan mo na may kinalaman sa pagmamahal mo sa karunungan, pagtuturo, teatro at literatura. Sa mga pagkakataong iyon, mangingiti kami tuwing maaalala namin ang mga nakagagalak na pagkakataong nakasama ka namin.

Salamat sa nga aklat na iyong ipinamana- makakaabot ang mga ito sa libu-libong kabataan at maraming-maraming henerasyon. Salamat sa mga masasayang alaala. Salamat sa iyong pagtityaga. Salamat sa iyong pagtitiwala. Salamat sa iyong mga ideyang kahit kailan ay di mo pinagkait. Salamat sa mahahaba at malulutong na tawanan, hagikgikan. Salamat sa mga walang katapusang diskusyong politikal at pilosopikal. Salamat sa mga tsubibo at oktupus tuwing may UP Fair. Salamat sa mga panonood ng sine at dula. Salamat sa mga lechong manok. Salamat sa pagkakataong nakasama ka namin sa aming pagsusulat. Salamat sa mga balde-baldeng kape at sa ilang bote ng beer na nagparayuma sa atin. Salamat sa mga inspirasyong inilaan mo sa amin. Salamat sa iyong mga mahahalagang oras. Salamat sa paninigbak mo sa aming mga tema, premise, tauhan, storyline , devices at mga dayalogo. Salamat sa mga paglalakbay na ginagawa nating lahat sa mga di maubus-ubos na mga bagong kuwentong ipinaririnig mo sa amin tuwing mahihilingan ka naming ikuwento mo ang pinakabago. Salamat sa mga tiyanak, sa mga bayani, sa mga salbaheng batang nagbago, sa mga rebelde, sa mga magulang na namulat, sa mga magnanakaw na naparusahan, sa mga insektong naging kung ano at mga kung anong naging kung anu-ano, sa mga pangulo, sa mga babae sa dilim, sa mga Pong Pagong, sa mga Maria Makiling, sa mga walis, sa mga baboy na nakarating sa langit, sa mga historyador, sa mga sundalo, sa mga abuhing tao, sa mga kumbersasyon at sa mga sari-saring tauhan, pangyayari at kuwento na nagpayaman ng aming buhay.

Higit sa lahat, salamat sa inukol mong pagmamahal sa aming lahat na mga kapamilya, estudyante at kaibigan mo.

Ngayon, nakamit mo na ang katahimikan at kasayahang iyong minimithi sa piling ng Poong Lumikha.

Paalam. Mahal na mahal ka namin, kaibigan.

Rollie

The English Ocean said...

Nasulat na lahat ni Rollie - sa haba ba naman ng blog comment nya - karamihan ng mga gustong alalahanin at ipabaon sa iyo ng mga Telonista. At nalulugod akong malaman, mula pa rin sa rekoleksyon ni Rollie, na masaya ka sa kinahinatnan ng mga tao sa Telon. Sa mahigit ba namang 23 taon nating pagiging magkakakilala at magkakaibigan e dapat may titingalain at papantayan naman kaming halimbawa ng pagiging mabuting tao, di ba?

Hay, ma-miss kita kapatid. Actually,hindi na ako masyadong na-shock nung matanggap ang text messages ng mga kapatid na Joey at Nick tungkol sa pagyao mo. Kasi, naubos mo na lahat ng shock value ko nung na-stroke ka nung Abril sa Mauban. Mula Mauban, Quezon hanggang Maynila, bugbog ako ng pangamba kung matutuluyan ka sa tabi ko sa loob ng bus. Parang di kaiga-igaya para sa akin na magpaliwanag sa pamilya mo, mga kaibigan, at mga miron kung paano ka namatay at iba pang kaganapan sa mga huling sandali mo. Alam mo namang di ako ma-detalyeng tao pagdating sa mga ganyan. Idagdag pa ang bako-bakong daan noon sa highway ng Mauban na baka kako magpalala sa kondisyon mo habang nagkaka-stroke. Di mo lang alam kung gaano ako na-relieve pagdating natin sa Maynila at mai-turn over na kita sa anak mong si Tanya. But even then, I was expecting something to come soon. Maybe not that soon, pero alam ko malapit na.

Kaya nung makarating sa akin ang balita habang nagle-lecture sa harap ng mga kabataang kasapi ng SK Federation sa Mindoro, natigilan na lang ako. Ito na pala yun.

Hay naku, nabawasan na naman ang mga kasapi ng Tikwas Kilay Club, at ang presidente pa mandin ang nalagas! Andami namang pwedeng unahing mga maldita sa kultura at pulitika e yung mga mabubuting tao pa ang inuuna. Gusto pa sana naming buhay ka pag tinanggap mo ang National Artist Award.

Basta, ire-reserve ko na lang ang pinakamatinding taray-kamandag ko sa mga taong magma-maldita sa gagawin naming pagsusulong ng nominasyon mo bilang National Artist.

Salamat sa mga alaala,

Elmar

Anonymous said...

ito ang huling blog article ni sir rene. salamat sa lahat ng naituro ninyo at magiging inspirasyon po kayo ng mga magiging mahusay na manunulat sa hinaharap. lagi ko po kayong iisipin at aalahanin sa aking mga adhikain at pangarap.

Anonymous said...

Salamat, Sir Rene, sa inyo at kay Sir Monico.

Unknown said...

Lumaki ang panganay namin sa Batibot. Ikaw ang paborito niyang manunulat. Mga kuwento mo pa rin ang binabasa ng dalawa pa naming pahabol na anak.

Maraming-maraming salamat sa iyo, Rene.

Mami-miss kita, Rene.

Susie at Albert
Gato, Arno, at Ciro

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
babe ang said...

sir rene, marami pong salamat. maraming marami.

babe ang said...

sir rene, marami pong salamat. maraming marami.

Terry Ridon said...

Sir Rene,

Pinakamataas na pagpupugay ang pinapaabot sa iyo, bilang isa sa mga magiting na gurong bumasag sa torre ng literaturang pilipino upang ganap na mayakap ng sambayanan.

Bagamat kailanman hindi na tayo nagtagpo, parang nakilala na rin kita sa mga kuwento mo sa mga aklat mo, lalo nang kinukuwento mo ang buhay-kabataan mo noon sa la loma. halos doon doon din kasi ako lumaki, sa masukal, pawisin at medyo maduming hanay ng mga apartments ng suburban manila-qc boundary.

Ganunpaman, alam kong hindi ka makakalimutan ng Pamantasan, ng sambayanang pilit mong inunawa at inilapat sa iyong mga tula't sanaysay.

Hindi kailanman isinisilid lamang sa baul ang mga obrang likha ng mga makabayang makata tulad mo. Tiyak ako, naroon ka sa hanay ni Ka Amado, kahit ni Ser Monico, na patuloy na dadakilain ng sambayanan.

Muli, pagpupugay sa iyo.
Mabuhay ka, Rene Villanueva!

Terry Ridon
UP Student Regent

Anonymous said...

Rene,
We parted on bad terms but I would always remember that awkward conversation we had afterwards when we accidentally bumped into each other.
The words were tentative, but I have always thought that at that moment, we had wished each other well.
It was an honor to be mentored by the great Rene Villanueva, even for such a short time.

Farewell.

Anonymous said...

paalam sir. salamat sa inspirasyon. "doon sa batibot, tayo na, tayo na.."

j5bata said...

"Sa Batibot tayo na!"

Paalam na po sa inyo. Marami sahenerasyon ang natuwa sa programa niyo, napamahal kami lalo na kay Kapitan Basa at Kokokikwak.

Lubos namin kayo mamimiss

IAN Del CARMEN said...

Rene, hindi ko malilimutan ang mga araw nating magkasama, naglalakad sa Timog, oorder ka ng isang barrel ng beer kahit pinipigilan kita dahil kakaopera mo lang. Hinayaan kita dahil gusto ko laging masaya ka.

Hindi ko rin malilimutan ang mga dula mong pinanood natin ng sabay at tinatanong mo pa ako habang nanonood kung ano ang sikreto ng karakter. Inaalam mo kung madaling unawain ang isinulat mo.

Ang aklat mong "Personal" ay nasa akin pa. Naaalala ko tuloy ang kalaro mong babae noon ng bahay-bahayan. :)

Isa ka sa mga idolo ko sa pagsulat.

Kakabasa ko lang sa Inquirer na wala ka na. 3 araw na pala ang nakakalipas. Di man lang ako nakadalaw.

Paalam, Rene! Paalam, kaibigan...

Ian del Carmen
http://IanDelCarmen.com
http://FireballPlanet.com

lifeline said...

salamat sir rene... marami akong natutunan mula sa iyo... sobrang salamat... kahit na hum 1 lang po kita naging prof, sobrang pinagmalaki kita... mula sa MHR 1st sem 03-04 (seksyon namin yan) naaalala ko na sa ISSI pa tayo nagkaklase po nun... tawa po ng tawa si sir noong ako'y kumanta...

Thea Alberto said...

you will never be forgotten..

vincedejesus said...

Maligayang paglalakbay pinakamamahal kong kaibigan, guro at kaututang dila. Ikamusta mo ako kay Charley.

Ano ang gagawin niyong project diyan sa langit?

Anonymous said...

Sir Rene, I sing the body electric!

man gervacio said...

Ka Rene,

Ikumusta nyo na lang kami kay Butsiki!

“walang silbi ang isang baboy na hindi naging litson o ni hindi man lamang naging sitsaron."

At tanawin mo kami paminsan-minsan at ipaalalang: "walang silbi ang isang manunulat na hindi man lang nakapagmulat o ni hindi man lamang sa nilalagnat na noo ng lipuna'y nakisalat..."

German Villanueva Gervacio

man gervacio said...

Ka Rene,

Ikumusta nyo na lang kami kay Butsiki!

“walang silbi ang isang baboy na hindi naging litson o ni hindi man lamang naging sitsaron."

At tanawin mo kami paminsan-minsan at ipaalalang: "walang silbi ang isang manunulat na hindi man lang nakapagmulat o ni hindi man lamang sa nilalagnat na noo ng lipuna'y nakisalat..."

German Villanueva Gervacio

man gervacio said...

Ka Rene,

Ikumusta nyo na lang kami kay Butsiki!

“walang silbi ang isang baboy na hindi naging litson o ni hindi man lamang naging sitsaron."

At tanawin mo kami paminsan-minsan at ipaalalang: "walang silbi ang isang manunulat na hindi man lang nakapagmulat o ni hindi man lamang sa nilalagnat na noo ng lipuna'y nakisalat..."

German Villanueva Gervacio

Randy P. Valiente said...

Paalam, Ka Rene. Hanggang sa muli.

Edong said...

batang batibot ako, sayang at hindi ko nakilala ng matagal ang tao sa likod nito...

Unknown said...

Ito ang pinanghihinayangan ko ng sobra. Magkakaroon sana ako ng pagkakataon na makilala ang dakilang si Rene Villanueva dahil naging prof ko ang kapatid nya. sayang at hindi natuloy. ang post ko ang pinakahuling post dito. malaon nang walang nagpopost. anim na taon na.

Paalam, Sir Rene Villanueva. Salamat sa mga istorya at masayang literatura.

Unknown said...

Sa inyong pag lisan isang tao naman ang magiging tanyag problemalang di nya alam kung anu gagawin nya