Kahapon ng umaga ang balitang salubong ni Vim: "Pumanaw na si Sir Sidffrey Ordonez."
Sabi ko: "Matanda na naman siya. Me sakit ba?"
Hindi napansin ni Vim ang tanong ko.
Rene:"E si Adrian, Kumusta?"
Vim: "Ayaw pa raw palabasin ng ospital. Hindi yata masabi ng doktor -"
Rene: "Ang alin? Matetepok na rin ba?"
Vim: "Baka."
Pagkaraan ng mahabang sandali, sumali si Arlene sa usapan.
Arlene: "Ikaw ba, Rene, nagsisimba?"Rene: "Siyempre naman. Ano'ng akala mo sa akin? ... First mass pa, tuwing Sunday. (Pagkaraan pa ng ilang sandali.) Kaya tanggap ko na. Anytime, pwede na akong mamatay. Wala naman tayong magagawa; tiyak na darating 'yon. e di wag na lang labanan. Sana lang, wag na ako'ng maghirap o ang pamilya ko."
Vim: "Kaya nga dapat kang magpalakas. Mas maganda kung maging National Artist ka nang buhay ka, para - 'Palakpakan po natin si Ginoong Villanueva.' Hindi 'yong- 'Mag-ukol po tayo ng sandaling katahimikan para kay Ginoong Villanueva.'"
Rene: "Oo, maganda nga 'yon. Pero hindi naman natin kontrolado 'yon."
Vim: "Kaya nga dinig ko, ibibigay na raw kay Mrs. Bonifacio yung award, basta wag na lang niyang masyadong lakarin e."
Tuesday, November 20, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Si Sir Vim Nadera po yang kausap ninyo?
Hmmm... nakakatuwa naman yung punto niyang "maging Natl Artist habang buhay pa" haha. :D
Maganda nga naman yung ganun at may mga pribilehiyo pang makukuha dun. :D
Post a Comment