Madaling-araw na nang ipakilala sa akin ni Tito Doc ang pinakabago niya barkada, ang artistang si Dante Balboa, na una kong nakadaup-pakad at gymanap sa aking dulang "The Bomb." Pero ibang Dante ang nakausap at nakilala ko. Bukod sa nakapantalon siya, (lagi siyang naka-bikini tuwing matutunghayan ko sa mga retrato) hindi rin siya ang Dante na halos di umiimik sa kabuuan ng pagtatanghal ng aking dula. Ang daldal niya; o sa mas tiyak na sabi, ang dami-dami niyang kuwento.
Nalaman ko na matagal-tagal na rin pala siyang nagsusulat ng script at mga dula (at sumasali sa Palanca). Napansin ko rin na ang mga pangynahing tauhan niya ay sunod sa iilang padron, Kundi bakla ay macho dancer. Dahil hindi ko napigil ang aking pagkamaurirat, isang araw ay napilitan akong itanong sa kanya kung siya ba a bakla. Hindi naman daw at iniwan na namin ang paksang iyon para ipagpatuloy ang kanyang bumubukal na pagkukuwento.
hanggang sa maikuwento niya ang ilang bahagi ng kanyang kabataan. Nalaman ko na, gaya ko, mula ron siya sa isang mahirap na pamilya. Pero mapalad siya dahil hindi mababakas sa mapuyi at makinis niyang balat ang latay at pilat ng pagdarahop.
Kaya nagsimula niyang maalala "kung gaano kami kahirap noon."
Nppng ang pantalong kaya lamang bilhin ng nanay niya para sa kanya ay jpgging pants. Na pilit niyang itinatago sa pamamagitan ng polong hindi naka ticked in. Pinagdidiskitahan siyang tyksuhin ng mga kaklaswng lalaki na pilit na itinataas ang kanyang po;o para palitawin ang garter ng suot niyang jogging pants. Malungkot din ang bises niya nang maalala na noong araw ni hindi siya hinahayaan ng tatay niya na siya ang mismong sumandok ng ulam mulas sa kaldero para matiyak na matitipid nila ang nilutong ulam.
Marami pang kuwento si Dante. Hinamon ko siyang isulat ang mga iyon sa isang aklat ng mga personal na sanaysay, na maaaring pamatang "Ang Hirap Namang Maging Guwapo."
Wednesday, September 26, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment