May call for manuscripts ang Adarna Hiuse hanggang katapusan ng Oktubre. Ito ang tampok sa isip ko nang dumalo ako ng ginabayang talakayan tungkol sa Edukasyin para sa Kapayapaan sa U.P.
Nagpag=usapan ang ilang krimen na itinatampok ng media kamakailan. Hiningi ang aming palagay sa kaso ni Dindin padilla, ang batang isinilid sa maleta at natagpuang palutang-lutang sa Manila Bay.
Siyempre, nakababahala ang gayong klase ng karahasan laban sa mga bata, Pero mayroon na tayong batas laban sa mga umaabuso sa mga bata. Nabanggit ko ang tungkol sa kaso ng batang nagpakamatay dahil inaabuso di-imano. Lumundag mula sa gusali ang bata. Higit itong nakatitigatig sa akin dahil wala tayong batas laban sa mga bata na magpapataw ng karahasan sa kanilang sarili upang makaligtas lamang sa hirap ng buhay. Sumagi kaagad sa isip ni Tito Doc ang kuwento kong "Nemo, ang batang papel."
Sa kuwento, mas pinili ni Nemo na maging papel sa halip na tunai na bata dahil kay hirap-hirap maging bata sa isang pamilyang walang maipakain, walang maipasuot na damit, walang perang magagamit sa [ag-aaral; o sa isang lipunang hindi kumikilala sa karapatan ng isang bata.
Sumang-ayon si Heidi sa aking pansin at idinagdag niya ang isa pang uri ng bata na biktima rin ng ganitong kairalan sa lipunan: ang Batang nambibiktima. Ang batang nangrereyp ng kapwa bata. Ang batang nanggugulpi ng kapwa bata.Batang nang-uudyok sa kapwa na gumamit ng droga at ibapang bisyo.
Mabigat sa dibdib ang usapan nang hapong iyon. Tila kayraming nawawalang bata. Matagpuan kaya sila sa mga maletang palutang-lutang sa hangin?
Thursday, September 27, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
no comment
Post a Comment