Nang magpulong kami ni Mrs. Bonifacio tungkol sa "dalawang Bayani," ipinaunawa niya sa akin ang halaga ng pagtanaw ng utang na loob sa mga nauna. Lalo sa larangan ng panitikan. Na sinasang-ayunan ko naman bagaman mahalaga ring linawin kung ano ang inutang nino kanino.
Kung pagtungtong naman sa balikat ang usapin, importanteng linawin kung anong kapaligiran ang natatanaw mula sa tinutuntungan,bukod sa kung kaninong balikay nakatuntong.
Ang pagdedetalye ng mga sagot sa usaping ito ay mahalaga para linawing hindi naman basta feudal na pagyukod lamang sa nakatatanda at awtoridad ang ating ginagawa ni pagbibigay lamang sa tradisyon.
Halimbawa, ikinuwento ni Mrs. Bonifacio na mayroong gumawa ng thesis na nagpaoalagay daw na sinusundan ko ang pagmamanunulay ni Mrs/ Bomifacio. Na sa tuwing may gagawin siyang akda. hindi malayong may isusulat din akong ganoong akda. Gaya ng "Hiblang Abo," na ayon daw sa thesis ay mu;a sa mga taiuang matatanda sa dulang "TTaag-ani" ni Mrs, Bonifacio.
Ilang ulit ko nang naisulat ang mga bukal ng dulang "Hiblang Abo." gusto kong ulitin para ipakita ba iresponsable ang sumulat ng yhesis na iyon dahil mali ang kanyang datos.
Ang ideya para sa "Hinlang Abo" ay hango sa artikulo mi Aida Maranan, ang "Growing Old Gracefull," na inilathala namin sa Diliman Review. May iba pa akong influences, pero naisulat ko na at kinilala ang mga iyon.
Sa kaso ng "Dalawang Bayani" walang-wala sa isip ko ang dulang papet ni mrs. Bonifacio sa panahong sinusulat ko ang luwento. Kahit ang naunang dula ni Bien Lumbera na ni hindi pala ala, ni Mrs. Bonifacio ay hindi ko pinagkakautangan ng anoman.
Paanong masasabi ni Mrs. Bonifacio na siya ang inang nakaisip , kahit man lang sa larangan ng dula, na pagkomparahin sina Rizal at Bonifacio, gayong nalathala din at naranghal ang dulang "Bayani" ni Lumbera?
Gusto kong idiin na ang tinututulan ko ay hindi ang ideya ng pagtanaw ng utang na loon. Nais ko lang linawin muna bago ako magbayad ng utang, ano ba talaga ang inutang ko?
Wednesday, September 26, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment