Wednesday, September 26, 2007

Kontrobersya sa "Dalawang Bayani"

Nagpulong kami kahapon, Setyembre 25, ni Mrs. Bonifacio tungkol sa "Dalawang Bayani" sa opisina ni Dean Almario. Saksi sa pulong at taga-tape ng miting si Joey Baquiran. Ilang linggo na rin akong binabagabag ng usaping ito kaya mabuti na ring magharap kami ni Mrs. B.
Sinimulan ni Mrs.B. ang usapan sa pagbanggit ng isang thesis na pumapansin sa pagsinod ko raw sa kanyang career, gaya sa paggamit ng dalawang matandang taihan sa dulang "Tag-ani." Sinundan ko raw ito ng aking dula tungkol sa matatanda, ang "Hiblang Abo."
Sinabi rin niya na pagkaraan ng sandaang taong magkahiwalay na pagsusulat sa talambuhay nina Rizal at Bonifacio, gumitaw sa kanya ang ideya na paghambingin ang dalawa. Aniya, tila magkapareho ang kapalaran ng dalawam ultimo sa pagkakaroon ng panganai na pumanaw nang maaga. Hiniling ni Mrs. B na kilalanin sa aklat ko ang sinulat niyang dula (na nauna sa aking aklat).
Inamin ko namang isa sa kinikilala kong mandudula si Mrs. B. Nilinaw ko ring hindi mahirap sa akin ang tumanaw ng utang sa mga tao o akdaa na pinaghalawan ko ng ideya para sa aking akda (katunayan, kinilala ko ang mga ito sa aking aklat na (Im)Personal).
Pero itinanggi kong sa dula ni Mrs. Bonifacuo ko nakuha ang ideya ng "Dalawang Bayani".
Bagaman alam kong may nasulat siyang gayong dula, hindi ko pa nabasa (dahil hindi pa nalalathala) o napanood ang kanyang puppet play.
Sinabi ko rin na may ilang taong kong itinuro ang kursong PI 100 (Mga Akda at Buhay ni Rizal),
kung saan ang isa sa mga istratehiya ay paghahanbing kina Bonifacio at Rizal, gaya ng ginagawa ng maraming guro, Sinabi ko rin na marami ng manunulat ang tumalakay sa bagay na ito sa sanaysay, halimbawa ang mga akda nina Recto at Agoncillo (at isang buong koleksiyon ng sanaysay sa Contrary Essays na inedit ni Petronilo Daroy. Kung dula naman ang pag-uusapan, nauna kong nalaman at nabasa ang rock musical na "Bayani" ni Bien Limbera.
sa bamdang huli, sinabi ni Dean Almario na imumungkahi niya sa Adarna ang pagbabanggit ng akda ni Mrs. Bonifacio tungkol sa dulang "Dalawang Bayani," kung saan una niyang naisip ang ideya na paghambingin sina Rizal at Bonifacio at ginantimpalaan ng Palanca.
Nagtapos ang pulong na idinidiin ko na na niniwala ako sa prinsipyong give credit where credit is due, pero hindi sa kasong ito. Hindi ko sa dula ni mrs. Bonifacio nakuha ang ideya para sa "Dalawang Bayani."

2 comments:

joeybaquiran said...

rene. nakita ko rin ang blog mo. dadalaw ako lagi.

The English Ocean said...

Rene,

Ito pala yung kinukuwento mong diskurso nyo ni Ma'am Bo. Hay naku.... isang mala-Judy Ann Santos na buntong-hininga ang reaksyon ko dyan. Basta, aaw ko nang magsisigaw ng Impostora sa bandang huli.

Elmar