Dati, gugawa ako ng maikling kuwentong pambata para may maipamasko sa mga kaibigan, lalo mga kasama sa weiters Bloc. Kapag buwan na ng Nobyembre, aligaga na ako sa pag-iisip ng bagong kuwento. Praktikal na gawain ito dahil bukod sa matipid (walang gagastahin kahit para sa wrapper), napakapersonal na regalo pa.
Pero ngayong taon, mas maaga akong nakapagdesisyon kung anong kuwento ang ireregalo ko sa malalapit sa akin. Nabasa ko kasi kagabi ang kopya ng pinakahuling librong-pambata ko mula sa Adarna house, ang "dalawang Bayani ng Bansa," pahambing na talambuhay nina Jose Rizal at andres Bonifacio. At napakaganya rin ng disenyo at ilustrasyon ni Joel jason Chua. hindi ako magugulat sakaling manomina ito para sa National Book Award for Children's Literature sa susunod na taon.
bakit ko itinuturing na perpektong regalo ito sa mga bata sa pasko/ dahil kinakatawan ng libro ang mga pangunahing paniniwala ko sa literatura. na ang ganda ng literatura, higit sa lahat, ay nasa aspektong pambayan nito. At kinakatawan ito ng libro dahil naniniwaka akong mabisang introduksiyon ang aklat sa pagpapakilala ng pagmamahal sa bayan.
Huwag sanang isiping pagbubuhat lang ito ng sariling bangko. Habang binabasa ko ang kuwento, napaluha ako sa madulang pamimili ng mga detalye sa buhay ng dalawang Ama ng lahing Filipino. Idagdag pa ang dramatikong kulay ng mga ilustrasyon.
Masasabo kong ito ang maituturing kong tunay na regalo ko sa mga kabataan ngayong taong ito.
Friday, September 14, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment