May dalawang dahilan kung bakit sinikap kong dayuhin ang CCP para panoorin ang pagtatanghal ng Mulan ni Rody Vera. Una, itinuturing ko si Mulan bilang simbolo ng Asyano na ayaw bigyan ng pagkakataon ng makapangyarihang Kanluran para ipakita ang tunay na sarili. Kaya ang tunay niyang pagkatao ay lagi niyang ikinukubli. Ganiyo ang tema ng papel na binasa ko sa Singapore ilang taon na ang nakararaan.
Pangalawa, kabilang ako sa dumalo sa sesyon ng Writers Bloc nang ipabasa ni Rody ang draft ng dula, at nais kong masundan ang tuluyang pamumukadkad ng dula sa entablado.
Kaya buong ataw mang bumubuhos ang ulan (Sigmal No. 1 ang bagyong hannah sa Maybila) pinilit ko sina Paula na samahan ako sa CCP. Ayon sa poster ang dula ay para sa lagat ng bata, kaua hindi kataka-taka na dinumog ng mga prescools ang palabas. Kalahati marahil ng audience ay mga bata, samantalang mga tinedyer ang karamihan ng bumubuo sa kalahati
Mapansin namin kaagad ang magandang disenyo ng mga kasuotan. Mukhang magarbo pero hindi mahal Maraming katawa-tawang tagpo, lalo ang pagsasanay ng mga sundalo sa ilalim ni Hen. Wu.
Pero hindi pambata ang dila. Maaaring may appeal ito sa mga tinedyer, pero mahirap maintindihan ng mga batang wala pa sa elementarya. Ang ganito ay bunga ng pangyayaring ang ginamit sa dula na antas ng wika ay may pagkaabstrakto. Laging problema ang ganito sa pagsulat ng dulang pambata, lalo kung ang mga tauhan ay hindi mga bata.
Nabagabag din ako sa magkahiwalay na tuon ng tema sa dula. sa mga unang tagpo, tila isyu ng gender ang usapin. sa kalagitnaan ay lumihis ito at naging laban sa kalupitan at karahasan ng digmaan. Hindi ko rin nagustuhan ang may mapanlait na paraan ng paglalarawan sa kababaehan, para makapagpatawa.
Sa kabuuan, kasiya-siya ang produksipn ng Mulan. Ipinaalala nito sa manonood ang pangkulturang pagkakautang natin sa sibilisasyong Tsino, bago pa ang kontrobersiya sa national btoadcastband,
Saturday, September 29, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment