Nagkita ang grupong Darna kagabi sa Alba's. Gya ng nakagawian, lumamon at nagtsikahan lang. Namudmod ng mga bagong retrato si Lilibeth, nagpahiram ng mga lumang isyu ng Yes magazine si Gaying, si Rene'y nagdadaldal tungkol sa ginagawa niyang "Ligaya ng Angono," at si Joey, gaya ng dati ay nagmadaling umuwi para "makapagtahip ng bigas!"
Pero espesyal ang gabi dahil may bago kami kasama sa paglaklak ng bato, pagsigaw ng Darna! at paglipad sa iba'ibang kainan sa Metro Manila. Kasama na sa grupong Darna si Rollie, ang aming mapansinin at mabait na si Rollie. Sinisimulan na niya ang proyektong libro kung paano siya nangibabaw sa mga pagkatalo sa buhay ) Siyempre, siya lang ang nagpapalagay ng gayon.) Nakaka-39 pages na raw siya.
Gusto ang grupong Darna dahil hindi nito ipinipilit ang kahit ano sa kahit kaninong kasama namin. wala rin naman kaming mahalagang ginagawa kundi kumain at magkape. Pero ngayo'y, nadaragdag ang pagkokodakan at iba pang plano.
May kanya-kanya kaming buhay at interes. At hindi namin hinahayaang makasagabal iyon sa aming gana at pananabik sa isa't isa.
Tuesday, September 18, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment