tawang-tawa ang estudyante nang sagutin ko ang tanong niyang Ano ang maipapayo ko sa isang nais matutong magsulat. Buong umaga niya akong kinukulit ng tanong na iyon, at hindi ko siya sinasagot dahil sa dalawang bagay. Una, may suspetsa akong wala lang siyang masabi para magpatuloy ang aming usapan, Pangalawa, hindi ko sinasagot ang mga tanong na walang kapararakan,
Pero nang sabihin niya sa aking balak niyang mag-aral ng pagsusulat at hindi niya kayang umalis ng bahay kung wala siyang baong ballpen at papel, pinagbigyan ko ang bata.
Inulit niya ang tanong nang may mahaba-habang pasakalye: Bilang guro, ano ho ang maipapayo ninyo sa akin para matuto akong magsulat? Sandali akong tumahimik paea pakiramdaman ang paligid. Nang matiyak kong seryoso pa rin siya sa kanyang tanong, tumikhim ako na parang si Rio Alma, bago nagsalita: Magsulat lang nang magsulat!
At muli kong ipinagpatuloy ang panatag na paghigop at pagbyga ng hininga habang pinakikiramdaman ang daloy ng init sa aking hita na halos hindi ko maigalaw.
Nanlaki ang mata niya saka napabunghalit ng tawa. "'yon lang ho? Magsulat lang nang magsulat?!"
Naitanong ko tuloy sa aking sarili kung tama nga ba ang sinabi ko. Pero paulit-ulit ko mang isipin, iyon talaga ang makatwirang payo sa isang nag-aaral magsulat o isang beginning writer. Just keep on writing. Magsulat nang parang hindi ka aabutin ng umaga. Magsulat nang walang patumangga.
Ito rin ang pinakamainam na payong natutunan ko mula kay Rio alma, na itinuturing kong ama ko sa larangan ng pagkamanunulat. Magsulat araw-araw. Huwag palampasin ang araw nang hindi nagsusulat, Kung hindi kayang gumawa ng isang bagong komposisyon, kahit magsagawa ng rebisyon, Ang panulat ay parang patalim na kailngang hasaing lagi, araw-araw kung maaari, upang manatili ang talas at talim.
Marami ang nagsisimulang manunulat ang binabagabag kaagad ng mga walang kuwentang problema ng pagsusulat, gaya ng Paano kayang makakasulat ng maganda o ng magugustuhan ng marami?
Ang isyu ng pamatayan o estetika ay makapaghihintay. Problemahin iyan kung regular na tong nakapagsusulat. Sa ngayon, pagsusulat muna ang siya mismong pangatawanan, Magsulat lang nang magsulat; huwag munang isipin ang anoman. Huwag bagabagin ang sarili nang anomang alalahanin. Ang mismong pagsusulat ay isa nang malaking problema. Bakit lalo pa itong pahihirapin ng kung ano-anongalalahanin? saka na problemahin kung ano ang isusulat, kung ito ba ay tama o mahalaga o maganda. Sa ngayon, basta maupo lang sa haeap nbg papel o kompyuter at simulan ang natatanging dapat mong ginagawa kung ikaw ay talagang isang manunulalat:Magsulat!
O, sulat na.
Friday, September 14, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
nakaka inspire to.. :)
Post a Comment